Since alam nyo namang isang movie review ang blog ko na to, kaya eto pa ang isang movie review sa upcoming new film ni Cathy Garcia Molina under Star Cinema - My Amnesia Girl. Title pa lang parang kalog na and I must admit na talagang cute pala ang tambalan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga sa movie. If I remember it right kasi ay first time nilang dalawa na nagsama under one movie at ito na nga ang My Amnesia Girl.
Well, so much for the good papuri sa dalawang ito dahil ang susunod na mababasa nyo ay ang kakulitan at kapilyuhan nitong isip ko. Wala pa kasing halos na original concept na Pinoy movie kung tutuusin, even yung mga old movies natin na kung saan makikita sina Bea Alonzo, Anne Curtis, KC Concepcion, Kim Chiu or kahit na yung may mga featured male actors.
Pansinin nyo na lang itong My Amnesia Girl movie… Oooops babala ha. try to remember movies na kung saan may isang girl na nakakalimot sa lahat ng pagkakataon. Ito ay dahil may dementia desease ang babae at ang kalanunan, sa twing magdadate ang dalawa ay parang isang bagong umaga at sarap at kilig ang nagaganap dahil ni hindi matandaan ni girl ang lalake kahit ang pangalan nito. In the end, si lalaki tuwang tuwa dahil walang sawaan ang date nila. O naalala nyo na ba ang old movie na ito na si Drew Barrymore at Adam Sandler ang bida? Kung hindi pa rin i-Google nyo ang 50 First Dates at baka sakali matandaan nyo.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.