Watch New Movies

Where else will you find the upcoming and latest movies of today - Watch New Movies Online.

Movie Review: In The Name of Love starring Angel Locsin and Aga Muhlach

May 26, 2011

First off, hindi talaga marunong umiyak itong si Aga Muhlach which had a devastating effect to the movie in my opinion. Nawawala ang gana kong umiyak at mag emote base sa eksena dahil dito. Pangalawa, napakaganda at unique ng istorya ng In The Name of Love movie. Pangatlo, ang galing umarte ni Angel at talagang di kayang sabayan ni Aga ang stint ng magandang dalaga. Pang apat, talagang kulang pa rin sa professionalism ang paggawa ng pelikula dito sa Pinas. Bakit? Ito ay dahil sa hindi ko nakitang magaling ang pagsasayaw ng dalawa at dinaan sa ganda ng direction ng pag arte sa sayaw. take for example ang Black Swan kung saan ang aktress na si Natalie Portman ay nagawang excellently ay sumayaw sa saliw ng tugtugin ng pelikula.

Haaaaysst ang dami… Pang lima, Napaka galing talagang mag direk ni Olivia Lamasan pagdating sa mga love scenes which reminds me sa galing naman ni Cathy Garcia Molina sa paglalaro sa script delivery ng mga dialogues ng artista. Pang anin at syang pinaka masamang nangyari ay ang failure to support the idea na talagang nagkaroon ng mahaba at napakagandang relationship itong si Angel Locsin at Aga Muhlach while they are still in Japan. Nagulat na lang ako ng biglang naging sila pala dahil ang huling naaalala kong eksena about them in Japan ay ang pagtaboy ni Aga kay Angel habang hinahabol sya nito dahil may ibibigay na isang gift na music box. Palpak talaga ito and I belive it is part of the editing.

Posted by watchnewmovies at 2:48 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment